Slider

Friday, December 12, 2014

About Me






















Good day everyone. Ako po si Normie M. Santos, taga-isabela. May dalawa akong anak na lalake, 24 taong gulang at 13 taong gulang, at 22 taon na po ako sa ibang bansa. Dalawang taon pa lang ang aking panganay ng ako ay nag-ibang bansa. Wala akong planong mag-abroad pero may nag alok ng tulong na ako ay makapunta. Pinalad din na nakasunod ang aking asawa pagkatapos ng tatlong buwan. Tiniis naming mapalayo sa aming anak para mabigyan sila ng magandang buhay. Siguro masasabi nyong bakit sobrang tagal namin sa Abroad, ang kapalaran kasi hindi natin hawak.

May mga mabigat na pagsubok na dumaan sa buhay namin, nawala ang aming pinaghirapan ng ilang taon. Alam nyo naman, kung gusto natin makaipon ng malaki, mag-iinvest tayo ng negosyo para madagdagan ang kita. Bumili po kami ng Dump Truck para ang naipon naming pera ay gumalaw din. Sa kasamaang palad, hindi kami nagtagumpay sa aming plano. Dahil sa stress, nagkasakit ang aking asawa at ito ang dahilan ng kanyang terminate sa kanyang trabaho. Halos sabay kami ng asawa kong nawalan ng trabaho at nataon pang ipinagbubuntis ko ang aking pangalawang anak. Naranasan naming iwasan ng aming kakilala, mawalan ng kaibigan, na ultimo pamasahe sa Kapilya, wala kami.

Pero di kami nahadlangan, may time pa na sana magba-bus kami, nilalakad nalang namin, makasamba lang. Inalay namin lahat sa Diyos ang lahat.